AABOT sa mahigit 20,000 manggagawang Pinoy ang nangangib mawalan ng trabaho kapag natuloy ang pagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Secretary Laguesma na sa kanilang talaan, Filipino ang may pinakamaraming bilang ng mga may trabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators.
Bukod sa mga Filipino ay may iba pa aniyang dayuhan ang nagtatrabaho sa mga POGO tulad ng Vietnamese, Chinese, Indonesian, Burmese, Malaysian, Taiwanese, Thai, South Korea, at Lao.
Nakipagkasundo na rin aniya ang Bureau of Immigration sa Department of Labor and Employment para magkaroon ng profiling ng mga dayuhang manggagawa na nagtratrabaho sa mga online gaming.
Samantala, sa kabila ng maraming mga manggagawang umaasa sa POGO, halos walang namo-monitor ang DOLE na mga paglabag sa unfair labor practice.
Hinihikayat din ng DOLE ang mga manggagagawa na magtayo ng labor union upang mapangalagaan ang kanilang karapatan.
More Stories
4 drug suspects huli sa P450K shabu sa Navotas
Paggamit ng Chinese Tech sa Malabon, tinalakay
RECTO: PARTISIPASYON NG PH SA MACC MAKAKATULONG VS TAX EVASION