PATAY ang isang 27-anyos na rider na kasali sa isang endurance challenge nang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa isang pampasaherong van sa provincial road sa Barangay Salvacion, Agdangan, Quezon nitong Linggo ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Kim, single, Barangay Sinagawsawan, Del Gallego, Camarines.
Ayon sa imbestigayasyon, papunta si Kim, kalahok sa 1st Guinayangan Motorcycle Endurance Challenge, nang mag-overshot ang kanyang motorsiklo sa pakurbadang bahagi ng kalsada at sumalpok sa isang paparating na commuter van, na minamaneho ni Jayson, 27.
Isinugod ang biktima sa Unisan Medicare Hospital pero idineklarang wala ng buhay.
Ayon sa pulisya, nag-uusap na ang pamilya ng biktima at si Jayson para sa amicable settlement.
More Stories
SAMAHANG PLARIDEL 2024 GOLF PAPALO SA NOBYEMBRE 24 SA VILLAMOR GOLF
12 KANDIDATO NI MARCOS SA SENADO, IPINAKILALA NA
TANOD, 1 PA PATAY SA PAMAMARIL SA QC DAHIL SA VIDEOKE (3 suspek timbog)