KUMISLAP ang bituin ng KBA Stars matapos nilang tagpasin ag ibaon ang Samurai U-18,14-4 sa pagpapatuloy ng Season 1 ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup nitong weekend sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Pumukol ng impresibong pitching si Francis Thomas Gonzaga mula RTU sa loob ng 5 innings , maganda ang hitting nina Renato Samuel at Ignacio Escaño tampok ang mahusay na laro ni John Leonel Matanguihan at nagparmdam na ang powerhouse team na gamaganda na ang kanilang conditioning.
“I just said Congratulations to all my Stars. Everyone’s effort made us win the game!! If you enjoyed the game, I’m very happy,” wika ni playing team owner Keiji Katayama, assistant coach ng Team Philippines na kumopo ng baseball gold medal noong 2019 SEAGames.
Tangan ngayon ng KBA ang 1-1 kartada sa torneong inorganisa nina LBP Chairman Amando ‘ Wopsy Zamora,President Jose ‘Pepe Munoz at Executive Director Rodolfo ‘ Boy Tingzon. (DANNY SIMON)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY