Bilang bahagi ng pagtatapos ng aktibidad ng Bureau of Corrections sa ika-126 na Araw ng Kalayaan, may 126 na person deprived of liberty o PDLs ang pinalaya bukas, Hunyo a-12.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang, makararanas ng tunay na kalayaan ang 126 inmates na lalaya bukas
Nabatid na sa 126 PDLs na lalaya, 11 ay galing sa Correctional Institution for Women (CIW) in Mandaluyong City; 5 sa CIW in Mindanao; 22 mula sa Davao Prison and Penal Farm; isa galing sa Iwahig Prison and Penal Farm; walo sa Leyte Regional Prison; 34 galing sa New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Camp; 18 galing sa NBP Medium Ssecurity Camp; 6 sa NBP Minimum Security Camp; tatlo sa NBP Reception and Diagnostic Center; walo sa Sablayan Prison and Penal Farm; at 10 sa San Ramon Prison and Penal Farm.
Tatlumpo’t isa (31) sa pinalaya ay pinawalang-sala; isa ay binigyan ng conditional pardon; 72 lampas na sa taon ng sentensiya; anim ay sinailalim sa probation at 16 binigyan ng parole.
Dinagdag ni Catapang na Bucor ay bahagi ng kasaysayan lalo na at ang San Ramon Prison sa Zamboanga ay naitatag noong Aug 21, 1870 sa pamamagitan ng Royal Decree na ipinasa noong1869 kung saan ipiniit ang Muslim rebels at political prisoners na kontra sa Spanish rule habang ang Iwahig Penal Colony na dating Luhit Penal ay itinayo noong Nov. 16, 1904 upang ikulong ang mga Filipino na lumalaban sa American Colonialism, habang New Bilibid Prison ay nilikha noong 1935.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM