
PINAMUNUAN ni Mayor Ben Abalos ang pagdiriwang ng No Smoking Month ngayong buwan ng June sa buong lungsod katuwang ang City Health Department.
Hinikayat ni Mayor Abalos ang mga Mandaleño na makiisa sa kampanya ng pamahalaang lungsod na itigil na ang paninigarilyo at pag-vape na parehong may masamang epekto sa kalusugan ng tao.
Inihayag ni Dr. Benjamin Freddie Reyes na isa ang Mandaluyong sa mga local government units (LGUs) na aktibo sa pagpapatupad ng pagbabawal ng paninigarilyo at pag-vape.
Patunay aniya rito ang iba’t ibang hakbang ng pamahalaang lungsod katulad ng pagbabawal ng paninigarilyo at pag-vape sa mga pampublikong lugar at pagpataw ng parusa sa mga indibidwal na lumalabag sa batas na ito.
Mayroon ding smoking and vaping cessation program ang lungsod, sa pamamahala ni Dr. Myra Ang, na tutulong sa mga indibidwal na nais huminto sa bisyo ng paninigarilyo at pag-vape
More Stories
CA JUSTICES NA DUTERTE APPOINTEES, BINAWI ANG ACQUITTAL NI DE LIMA
NU LADY BULLDOGS, SINAGPANG ANG DLSU LADY SPIKERS PARA SA IKALIMANG UAAP TITLE
Senior Citizens Party List, Nagpasalamat sa Malawak na Suporta ng mga Botante