DISMAYADO si Senator Risa Hontiveros kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong aminin sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na siya ay isang inutil sa pagbawi sa West Philippine Sea na inaangkin ng China.
“Imbes na palakasin ang loob ng bansa at ng mga Pilipino para ipaglaban ang Pinas, mukhang iniwan na tayo sa ere ng Presidente,” ayon kay Hontiveros.
“Ang masasabi lang ng presidente, inutil siya? Baka nga tama siya, pero nakakadismaya. By admitting he is ‘inutil,’ the president is negotiating from a position of weakness,” dagdag pa niya.
Apat na taon nang nakalilipas nang ilabas ang desisyon ng The Hague kung saan pinaboran ng international court ang Pilipinas sa usapin ng‘nine dash line’ sa West Philippine Sea.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang ika-limang SONA na inangkin ng China ang pagmamay-ari ng Pilipinas at ang bansa ay walang sapat na armas para makipaggiyera.
“China is claiming it, we are claiming it. China has the arms, we do not have it. So, it’s simple as that, they are in possession of the property,” saad ni Duterte.
“We have to go to war. And I cannot afford it. Maybe some other president can but I cannot. Inutil ako dyan, sabihin ko sa inyo, and we are willing to admit it,” dagdag niya.
Binigyang diin naman ni Hontiveros na hindi kailangan ng armas para pagtibayin ang soberanya ng bansa.
Noong Martes, sinopla rin ng iba pang senador si Pangulong Duterte dahil sa pagpapakita nito ng karuwagan sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA