NATAGPUAN na ng Bureau of Corrections ang nawawalang person deprived of liberty sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City na nagtatago sa isa sa mga pasilidad sa loob ng NBP.
Ayon kay BuCor General Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang PDL na si Jonathan Villamor ng Dorm 6A Medium Security Camp ay inulat na nawawala alas-4 ng hapon kamakalawa.
Alas-3:20 ng madaling-araw kahapon natagpuan si Villamor sa loob ng Site Harry (dating Alternative Learning System-Basic Literacy Program ALS-BDP School) na nasa NBP Medium Security Camp.
Dahil dito inatasan ni Catapang ang lahat ng corrections officers na magsagawa ng headcount o visual inspections tuwing ika-limang minuto sa mga PDL lalo na ang mga napapabilang sa mga agricultural worker.
Sa ganitong paraan aniya ay agad matutunton ang kinaroroonan ng mga PDL kung sila ay nasa work assignments o wala. “In that case, we will be able to track them down immediately to know their whereabouts should they not be on their designated work assignments,” ayon kay Catapang.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan