NAHAHARAP sa kasong kidnapping for ransom, robbery at carnapping ang apat na pulis na sangkot sa pagdukot sa apat na dayuhan sa Pasay City.
“This incident is a serious breach of public trust and the core values of the police force. The Philippine National Police (PNP) will not tolerate any misconduct within their ranks,” ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa press briefing sa Camp Crame.
“They are committed to transparency throughout the investigation and prosecution process and will provide regular updates to ensure all developments are communicated effectively,” dagdag niya.
Kinilala ang mga suspek na sina Police Major Christel Carlo Villanueva, Police Senior Master Sergeant Angelito David, Police Master Sergeant Ricky Tabora at Police Staff Sergeant Ralph Tumanguil.
Ihinarap ni Abalos sa media ang mga suspek na nakatalaga sa Makati City, Pasay City at National Capital Region Police Office (NCRPO).
Noong Hunyo 2, sinabi ni Abalos na may apat na foreign national (3 Chinese at 1 Malaysian national) ang sakay ng kanilang sasakyan nang parahin sila ng ilang pulis na sakay Philippine National Police (PNP) motorcycle sa Taft Avenue.
Sa kanila ring likuran ang isang puting van.
“Pagkatapos bumababa at kinuha yung apat na dayuhan. They abducted the four individuals,” saad ni Abalos.
Nagawang makatakas ng dalawa sa mga dayuhan mula sa pandudukot sa kanila at nakahingi ng tulong sa pulisya.
Nagtamo naman ng mga sugat ang dalawa pa, at pinakawalan lamang matapos maibigay ang P2.5 milyong ransom sa mga kidnapper umano.
Matapos nito, nagsagawa ng operasyon ang pulisya para madakip ang mga suspek.
Nakukuha ang mga awtoridad ng sapat na ebidensiya laban sa kanila gaya n CCTV footage, mga phine at PNP-issued firearms at mga motorsiklo.
Patuloy na tinutugis ang iba pang salarin, kabilang ang isang sibilyan na siyang mastermind.
Naniniwala si Abalos na miyembro ng sindikato ang nasabing mga suspek.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM