SWAK sa selda ang dalawang lalaki na wanted sa kasong rape at homicide matapos madakma ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, dakong alas-3:10 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police at Northern NCR Maritime Police Station sa joint manhunt operation sa Pitacion Street, Elysian Subdivision, Barangay Marulas, ang 39-anyos na lalaking akusado.
Binitbit ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Nena J. Santos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 171, Valenzuela City noong May 30, 2024 para sa kasong Rape.
Nauna rito, ala-1:30 ng hapon nang madakip naman ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Intelligence Section sa pangunguna ni P/Major Randy Llanderal sa manhunt operation sa M.H. Del Pilar Road, Brgy. Arkong Bato, ang isa pang akusado na si alyas ‘Anjo’, 38, ng Malabon City.
Ayon kay Major Llanderal, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant na inisyu ni Acting Presiding Judge Corazon D. Soluren ng RTC Branch 170, Malabon City noong October 30, 2007, para sa kasong Homicide.
Pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng Valenzuela police ang mga akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA