MAKARAANG maglabas ng anunsyo ang Meralco kaugnay ng dagdag-singil sa konsumo ng kuryente, isang panibagong pasakit ang hatid sa balitang inihayag ng Department of Trade and Industry – dagdag-presyo sa mga pangunahing bilihin sa merkado.
Ayon sa kalatas ng DTI, arangkada ang dagdag-presyo pagsapit ng Hunyo 20. Saklaw ng pagtataas ng presyo ang basic necessities at prime commodities tulad ng delata, gatas, processed food, tinapay, noodles, patis, toyo, suka at iba pa.
Paglilinaw ng DTI, pasya ng mga manufacturers ang dagdag-presyo sa binebentang produkto.
Una na anilang sumang-ayon ang mga private manufacturers na isantabi muna ang pagpapataw ng dagdag-presyo sa bisa ng “voluntary price freeze” sa loob ng 90 araw na magtatapos sa ikalawang linggo ng buwan ng Hunyo.
Kabilang sa mga manufacturers na nakatakdang magpataw ng dagdag-presyo ang Century Pacific Food Inc., CDO Foodsphere Inc., Coca Cola Beverages Philippines Monde Nissin, Alaska Milk Corp., Nestle, NutriAsia, at San Miguel Foods.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA