Pinatawan ng multang P75,000 at three-game suspension ng PBA si TNT KaTropa assistant head coach Tab Baldwin; dahil sa mga komento nito. Ayon sa pamunuan ng PBA, nakasisira sa imahe ng liga ang mga pahayag ni Baldwin sa mga referees at mga coaches.
Sa sandaling muling magbalik eksena ang liga— na natigil pansamantala dahil sa CoViD-19 pandemic, hindi muna uupo sa coaching staff si Baldwin, na head coach din ng UAAP team Ateneo Blue Eagles.
Naging kontrobersiyal ang pahayag ni American-New Zealander coach sa isinagawang podcast. Mungkahi kasi ni Baldwin na malaki ang pakinabang sa basketball program ng bansa kung magkakaroon ng 3 imports sa PBA Conference. Gayunman, inalmahan ito ng ilang coaches at mga personalidad, kabilang si Al Francis Chua. Ani Chua, papaano na makalalaro ang mga locals? Papaano ang playing time nila?
Sumama naman ang loob ng mga coaches sa pahayag ni Baldwin na ‘tactically immature’ angmga Filipino coaches; na kinondena ng Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP). Gayunman, may ilang basketball fans na sang-ayon sa multi-import format sakali ng PBA dahil mapatataas nito ang lebel ng paglalaro ng basketball sa bansa.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo