December 23, 2024

UKRAINE SUPORTADO NG PH

PERSONAL na nagpasalamat si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa patuloy na pagsuporta at pagkilala ng Pilipinas sa soberenya ng Ukraine.

Ito ang naging pahayag ni Zelenskyy habang patuloy na nakikipaglaban ang Kyiv sa pananakop ng Russia.

Nakipagpulong si Zelenskyy kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang para personal na ipaabot ang pasasalamat partikular na ang naging papel ng Pilipinas sa United Nations (UN) resolution na nagkokondena sa Russia.

“We are very thankful to be in your country which supports Ukraine (and) our territorial integrity and sovereignty,” pahayag ni Zelenskyy kay Pangulong Marcos.

“Thank you so much of your big word, and clear position about us, about this Russian occupation of our territories and thank you on your support on the, in (the United) Nations, with your resolutions,” pahayag ni Zelenskyy.

Matatandaan na simula nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng Moscow at Kyiv may dalawang taon na ang nakararaan, bomoto ang Pilipinas sa anim na resolusyon ng UN General Assembly Emergency Special Session na pumapabor sa Ukraine.

Patuloy din na sinuportahan ng Pilipinas ang soberenya, independence, at territorial integrity ng Ukraine.

Nagpulong sina Pangulong Marcos at Zelenskyy matapos dumalo sa Shangri-La Dialogue sa Singapore.

Mainit naman na tinanggap ni Pangulong Marcos si Zelenskyy sa unang beses na pagbisita sa Pilipinas mula nang mahalal noong 2019.

“I’m happy and we are very honored that you found the time to pass by the Philippines. I know that the crisis in your country has occupied all of your attention and all of your time. It is a great pleasure to meet with you to discuss some of the issues that are common to our two countries and hopefully find ways for both of us together,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Once again, I wish it were under better circumstances but I’m happy that you are able to come and visit with us, Mr. President,” dagdag ng Pangulo.

Pangako ni Pangulong Marcos, patuloy na tutulong ang Pilipinas sa Ukraine sa pamamagitan ng multilateral channels gaya ng UN at European Union.

“And so we’ll continue to do all that we can to promote peace, and to bring an end to the fighting,” pahayag ni Pangulong Marcos.