
PATAY ang isang sekyu matapos pagbabarilin sa Barangay Banago sa Bacolod City.
Binawian ng buhay sa ospital ang biktimang si Benjie Fajardo matapos magtamo kabi-kabilang tama ng bala sa ulo at katawan.
Ayon kay Police Major Elmer Bonilla, hepe ng Police Station 1, naglalakad pauwi ng bahay ang biktima nang lapitan siya ng salarin at pinagbabaril.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang limang empty fired cartiges at deforme slug ng .9mm caliber firearm.
Nabatid na nakatanggap ng pagbabanta sa buhay ang biktima kamakailan lang batay sa nakalap na impormasyon ng kapulisan.
Gayunpaman, walang ideya ang kaniyang pamilya at mga kasamahan sa trabaho kaugnay sa death threat na natatanggap ng biktima.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO