November 23, 2024

ILANG BATIKANG PULITIKO, NAKIRAMAY SA PAMILYA NG ISANG YUMAONG RELIGIOUS LEADER

Nakiramay ang ilang kilalang opisyal ng pamahalaan kabilang sa mga kongresista at mga senador upang ipaabot ang kanilang pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Apostle Ferriol.

Kabilang sa mga dumating sa lamay ni founding leader at Chief Executive Minister ng Pentecostal Missionary Church of Christ (PMCC) na si Apostle Arsenio Ferriol sina Senador Sherwin Win Gatchalian, Senador Christopher Bong Go,  Senator Francis Tolentino,  Senador Joel Villanueva at marami pang iba.

Labis na  ikinalungkot ng Senador ang pagkawala ng kaibigang leader ng PMCC at aniya ay napakabuting leader, kaibigan at taga-pagparating ng mensahe ng Panginoon si Apostle Ferriol na malaking kawalan  dahil sa kanyang patuloy na pagtulong sa lahat ng mamamayan na walang pinipiling relihiyon na kinaaniban.

Samantala , ayon naman sa anak ni Apostle Feriol na si kay Bishop Jonathan Ferriol ang  Deputy Executive Minister ng PMCC na bukod kay Gatchalian dumating na rin sa lamay ng kanyang ama ang mga ibat ibang alkade ng lungsod at munisipalidad, ang mga mambabatas na sina

Tinawag aniya na Goodman of the House si Apostle Ferriol dahil lahat ay kanyang kaibigan at tinutulungan kahit anong partido pa ang kinaaaniban.

Tiniyak  ni Bishop  Ferriol na kanilang ipagpapatuloy ang kanilang outreach program tulad ng medical mission matapos ang kanilang pagluluksa sa malaking kawalan ni Apostle Ferriol.

Sa huli binanggit ni Bishop Ferriol na nakatakdang dalhin sa huling hantungan ang kanyang ama nasi Apostle Arsenio Ferriol sa June 18 sa Malagasang sa Imus Cavite