December 23, 2024

RAMON ANG:  WEST PHILIPPINE SEA PROTEKTAHAN PARA SUGPUIN ANG INFLATION

Mayroong mungkahi si Ramon Ang, isa sa pinakamayaman na Filipino tycoons sa bansa, upang awatin ang grabeng inflation o pagmahal ng bilihin: protektahan ang West Philippine Sea at kuhanin ang reserbang gas nito.

Sa economic forum ngayong araw, tinalakay ng government economic managers ang mga paraan upang dalhin ang inflation sa loob ng target range, kabilang ang pagma-manage sa interest rates at pagtugon sa supply chain bottlenecks.

Nang magkaroon ng pagkakataon ang audience na tanungin ang economic team, na kinabibilangan nina Finance Secretary Ralph Recto, National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan, at Budget Secretary Amenah Pangandaman, tumayo si Ang para magkomento sa isyu.

“As you know, we, San Miguel and Petron is in Malaysia. In Malaysia, the prices of gasoline is P20 per liter. In the Philippines, it’s 60. [The reason is] Malaysia subsidized one-third [of the price]. The other one-third is taxes. Philippine government imposes taxes. Our neighboring countries don’t impose taxes,” saad ni Ang.

Ipinaliwanag ni Ang na kung titignan ang mga presyo “sa pantay na batayan,” ang oil prices na walang subsidy at buwis ay mas mababa sa Pilipinas kung ikukumpara sa Malaysia, Indonesia, at Thailand. Ganoon din sa singil sa kuryente.

“Our power generation compared to our neighboring countries are lower. But we impose taxes on the power sector, on fuel. And we also don’t [have subsidies]. We don’t give subsidies on power. That’s why our power prices are higher,” ani Ang.

Paliwanag ni Ang, kayang mag-subsidize ng presyo ang mga karatig bansa dahil sila ay oil-producing countries. Aniya, ang Pilipinas ay gumagawa lamang ng 6,000 bariles ng langis kada araw, kumpara sa iba na kayang gumawa ng hanggang 1 milyong bariles kada araw.

“The Philippines, we don’t have oil. But we have a very big reserve in the West Philippine Sea. That’s why they are very interested in the Philippines. So, let us not let go of it. We should protect our territory,” ayon kay Ang.

Nag-ugat ang pahayag ni Ang dahil sa lumalalang tensiyon sa West Philippine Sea at nahaharap ang Pilipinas sa power crisis, na ayon sa ilang analyst ay dahil sa pagkabuos ng Malampaya gas field.

Ang mga tycoon, sa pangkalahatan, ay umiwas na pag-usapan ang bagay na ito.

Nauna nang sinabi ni Teresita Sy-Coson ng SM Group, na nagmamay-ari ng karamihan sa mga mall sa Pilipinas, na “hindi tayo maaaring maging masyadong antagonistic” sa China.