Nakapagtala ang Baguio City ng 11 bagong kaso ng COVID-19 cases, ayon sa City Health Service Office.
Nag-request na ang lokal na pamahalaan sa Department of Health (DOH) na bumili at mag-supply sa local health centers ng COVID vaccines dahil sa namonitor na mga kaso kamakailan lang.
Ayon kay Dr. Donnabel Panes ng CHSO Epidemiology and Surveillance Unit, karamihan sa kaso ang reinfections. Sa naturang kaso, anim ang nakarekober at lima ang aktibo.
“Most of our Covid cases have mild symptoms but one is severe,” ani Panes.
Dagdag pa niya, karamihan sa aktibong kaso ay hindi pa nababakunahan.
Dahil wala nang available na Covid vaccines, umaasa ang siyudad na ipaprayoridad ng Health deparment ang pagbili sa mga bakuna upang pangalagaan ang mga bata na na hindi nabakunahan noong kasagsagan ng pandemic.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan