
Mahigit pitumpung libong guro ang pumasa sa isinagawang pagsusulit para sa mga bagong guro noong Marso 2024.
Sa resulta ng March 2024 Licensure Examination for Professional Teachers na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC) umabot sa 20,890 na elementary teachers ang nakapasa, ang nasabing bilang ay mula sa kabuuang 44,764 o 46.67% na kumuha ng pagsusulit.
Habang 50,539 ang pumasang secondary teachers, mula ito sa kabuuang 85,980 o 58.78% na kumuha ng pagsusulit.
Isinagawa ang L. E. P. T. noong March 17, 2024 sa 36 na mga testing centers ng PRC sa buong bansa.
Isasapubliko sa mga darating na araw ang venue ng panunumpa, o oathtaking ceremonies ng mga bagong guro.
More Stories
NSC NAALARMA SA PAGKAKAARESTO SA 3 PINOY SA CHINA NA INAKUSAHANG ESPIYA
PLAKANG ‘8’ SA VIRAL ROAD RAGE PEKE RAW
Miyembro ng criminal gang, tiklo sa pagbebenta ng baril