
KINUMPIRMA ni Police Regional Office XI Spokesperson, Major Catherine Dela Rey, na isinailalim na si Davao City Police chief Colonel Richard Bad-ang sa administrative relief.
Base ito sa rekomendasyon ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) XI kasunod ng isinagawang motu-propio investigation hinggil sa pagkamatay ng pitong indibidwal sa anti-illegal drugs operation sa Davao City noong ika-23 hanggang 26 ng Marso ng taon.
Kaakibat ito ng “drug war” na inilunsad ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kung saan isinagawa ang naturang operasyon sa ilalim ng pamamahala ni Bad-ang, na katatalaga lamang bilang bagong DCPO director noon.
Matatandaang una na rin pinaimbestigahan ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang isinagawang operasyon noong Marso.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO