NASA mahigit P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa apat na drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos malambat sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.
Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Allan Umipig kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng droga ni alyas Ambo, 38, (HVI) kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang makumpirma na positibo ang report, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Joselito Suniega ang buy bust operation na naresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-9:40 ng Miyerkules ng umaga sa labas ng kanyang bahay sa Ka Carlos St., Domingo Compound, Brgy. Rincon matapos bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.
Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, nakuha sa suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 16 pirasong P500 boodle money.
Nauna rito, natimbog naman ng kabilang team SDEU sina alyas Ben, 27, alyas Joshua, 27, at alyas John, 27, tricycle driver at pawang residente ng Brgy. Gen. T De Leon matapos mahuli aktong sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa San Miguel St., Tamaraw Hills ng nasabing barangay bandang alas-6:00 ng gabi.
Nakumpiska sa mga suspek ang aabot 0.5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P3,400 at mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan