AABOT sa 4,000 Navoteño ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng iba’t ibang programa.
May kabuuang 3,832 rehistradong mangingisda at mga driver ng tricycle de padyak at de motor ang nakakuha ng P3,000 cash subsidy mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development.
“Our fisherfolk and tricycle drivers are vital to our economy and daily life. We recognize the hardships they endure to provide for their families and we want to help lessen their financial burden,” ani Mayor John Rey Tiangco.
Pinaalalahanan ni Tiangco ang mga benepisyaryo na unahin ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya at mag-ipon para sa kinabukasan. Hinikayat din niya ang mga ito na gamitin ang serbisyo ng pamahalaang lungsod.
“We have several initiatives aimed at providing sustainable livelihood such as the NavoBangkabuhayan program for our registered fisherfolk. We also have Tulong Negosyo carts and Tulong Puhunan for those who wish to start their own business,” dagdag niya.
Samantala, namahagi ang Navotas noong nakaraang linggo ng educational assistance sa 355 public special education students o mga estudyanteng may kapansanan. Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng P1,000 para sa buwan ng Marso at Abril.
Ipinasa ng pamahalaang lungsod ang City Ordinance 2019-04 para mabigyan ang mga PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year.
Nakatakda ring magbigay ng P2,000 ang lungsod sa 102 benepisyaryo ng Saya ALL, Angat ALL Tulong para sa mga rehistradong Navoteño solo parents.
Kabilang dito ang mga Navoteno na nakakuha ng kanilang Solo Parent ID sa loob ng Enero-Abril 2024 at hindi naging kwalipikado para sa buwanang tulong na pera ng lungsod na ipinamahagi noong Abril.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA