October 17, 2024

FAMAS TROPHY NI NIÑO MULACH, IBINENTA SA HALAGANG P500K

KAHIT daw may sentimental value ang Filipino Academy of Movie Arts and Science [FAMAS] trophy ni Niño Mulach, ay ibinenta pa rin niya ito kay social media personality na si Boss Toyo sa halagang P500,000.

“Binenta ko sa kanya, para maalagaan niya. Kasi ako hindi ko maalagaan, dala na rin ng pagiging busy ko. I-restore niya at ilagay sa Museum niyang ipatatayo, para lalong maingatan at iyon ang deal ko sa kanya,” saad pa ni Niño Mulach.

“’Pag sinabing ‘child actor’ ikaw ang barometer tandaan natin wala pa akong nakitang nakadaig sa’yo,” papuri ni Boss Toyo kay Niño Mulach.

“Planong idisplay ni Boss Toyo ang FAMAS trophy ni Niño Mulach, sa Museum na kanyang ipatatayo.