November 18, 2024

JRC, DMC at JC2… BASKETBALL SUMMER CUP 2024 SA NEW MANILA, QC

Sina Coach Amzai at JC2 team owner Archi Celestial

INIHAHANDOG ng The Black Box by Jump Recreational Center, DMC Sportswear at JC2 Architecture Studio para sa mga bata ang  BASKETBALL  SUMMER CUP 2024 na aarangkada ss Mayo 25.

Limitado ang slots para sa mga lalahok kung kaya kinakilangan ang maagang pagpapalista at ang registration fee ay P 6,000 lang, inklusibo dito  ang basketball training jersey, 10-day sessions, photos at videos. Ang aktwal na clinic ay magmula 10 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Ang kaganapan ay bukas para sa mga batang babae at lalaki na edad 6 hanggang 12 kung saan ay matuturuan sila ng mga basic at innovative na kaalaman sa larong basketball.

Sina Coach Anzai at Hamtime ang may timon sa espesyal na cage event ayon kay  JC2 top honcho Architect Jayzee G.Celestial.

“Start ’em young. Inaaanyayahan natin ang mga batang may potential na talento sa larangan ng basketball. See you kids on May 25 at #40 , 6th St. New Manila,” wika ni basketball enthusiast, team owner Celestial.

Para sa dagdag detalye, kumontak sa 09176271534. (DANNY SIMON)