KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration na nagsisilbing abortion clinic ang ni-raid na wellness clinic sa Pasay City na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Ayon sa ulat, nadakip ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang tatlong Chinese at dalawang Vietnamese na nagtatrabaho sa naturang wellness spa.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na ang naturang wellness clinic ay natuklasang front ng illegal hospital na nagsasawa ng abortion, cosmetic operations at iba pang medical procedure na kumpleto sa kagamitan tulad ng hospital bed at iba pang gamit sa pag-o-opera.
Aniya, karamihan sa kliyente nito ay mga dayuhan.
Sinabi ni Sandoval na walang permiso at lisensiya ang naturang wellness clinic mula sa Department of Health (DOH) kaya nakakaalarma aniya lalo na at nalalantad sa panganib ang kaligtasan ng publiko.
Kaugnay nito, umaapela ang Bureau of Immigration sa mga lokal na pamahalaan na higpitan at paigtingin ang pagbabantay sa aktibidad ng mga dayuhang nagtratrabaho at nag-o-operate ng negosyo sa kanilang lugar.
Matagal na aniya nilang pinakikiusapan ang mga LGU na magsumite ng report kaugnay sa mga kahina-hinala at ilegal na aktibidad ng mga dayuhan sa kanilang komunidad.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO