NABULABOG ang Makati City Prosecutor’s Office, dahil sa biglaang pagdating nina Sharon Cuneta at Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan. Upang idemanda ang sikat na host at journalist, na si Cristy Fermin ng Cyber Livel Case.
“Iyong Inalagaan ko ng 45 years ang pangalan ko, maganda ang papalaki sa akin ng aking mga magulang at sabi ng tatlo kong anak na mabait at mabuti akong Ina.
“Naaapektuhan ang aking mga anak, sama ng kanilang loob. We’ve been off social media dahil dito. Ayoko ‘to, eh, kung puwede lang.
“Artista kami, pero ang daming nakakalimot na nasasaktan din kami, ‘di ba?” Pahayag ni Sharon Cuneta.
Nakikita ni Kiko, ang malaking damage na gawa ni Cristy Fermin sa pamilya nila, dahil sa mga pinagsanib niya sa YouTube channel na walang basehan at pawang mga hindi totoo.
“Cybercrime law dahil Malicious and imputation of defamation of our persons. Oo we are public figure, pero may rights din kami.” Depensang pahayag ni Sen. Kiko Pangilinan.”
“Tiyak ninenerbiyos na si Cristy Fermin, dahil malaking gastos itong kanyang susuungin,” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA