ISANG desperadong pagtatangka upang pagtakpan ang malalang sitwasyon ng karapatang pantao ang pagbuo ng Malakanyang ng “special committee on human rights coordination” sa pamamagitan ng Administrative Order No. 22, ayon sa human rights group na KARAPATAN.
Sa isang kalatas, sinabi ng KARAPATAN na ang human rights coordinating council ay taktika lamang ng administrasyong Marcos Jr. upang makaiwas sa pananagutan sa mga paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa ilalim ng kanyang pamahahala.
“With its premise of addressing human rights issues through mere “coordination,” one cannot expect much from this “special committee.” It will go the way of the Inter-Agency Committee created under Administrative Order No. 35 tasked to resolve extrajudicial killings, enforced disappearances, torture and other grave violations of human rights, which has a pitiful record of having handled only 385 cases and securing 13 convictions out of thousands of cases, as well as the more recently created task force under Executive Order No. 23 which is supposed to probe labor-related violations but has not been heard of again since its establishment a year ago,” anang KARAPATAN.
Giit ng grupo, habang ang counter-insurgency program ni Marcos Jr. at mga patakaran at mga batas kaugnay sa counter-terrorism ay walang habas na ipinatutupad na nagresulta sa “extrajudicial killings, enforced disappearances, torture, arbitrary arrests and detention, bombings and forcible evacuations, and fake surrenders” at nananatili ang sistematikong ugat ng patuloy na paglabag sa karapatan ng mamamayan na nagtutulak sa mga awtoridad na gawin ang malalalang krimen ng walang pananagutan. “Thus, these bodies are mere embellishments meant to appease the growing indignation here and abroad against the escalating violations of civil and political rights in the Philippines and gloss over the reality of state responsibility for the extrajudicial killings and other gross human rights and international humanitarian law violations.”
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY