KINOMPIRMA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nanatiling nakaalerto ang pulisya at hindi magpapakampante para matiyak ang seguridad sa Metro Manila.
Wala umanong namo-monitor na banta ng kaguluhan o terorismo sa Kalakhang Maynila sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na July 22.
Aniya, aabot sa 22,000 pulis ang ipapakalat at magbibigay ng seguridad sa kasagsagan ng SONA ni Marcos Jr. partikular sa Batasang Pambansa sa Quezon City.
Inihayag ni Nartatez na inaasahan na nila ang pagtitipon-tipon ng mga raliyista sa labas o malapit sa Batasang Pambansa kaya tiniyak ng opisyal na ipatutupad ng mga pulis ang maximum tolerance basta payapa ang pagsasagawa ng kanilang programa o kilos protesta at hindi maapektuhan ang peace and order.
Binati rin ni Nartatez ang QCPD para sa accomplishment nito sa kampanya kontra illegal na droga at illegal possession of firearm. “Gen. Maranan together with his 16 different station commanders, mataas ang accomplishment rate laban sa illegal na droga at ilegal na pagmamay-ari ng baril sa Quezon City,” aniya.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan