NANGUNGUNA ang Pilipinas sa pinakadelikado na bansa sa Asya para sa mga nagtatanggol sa lupa at kalikasan noong 2019, na umabot sa 43 ang bilang ng napatay, ayon sa international watchdog.
Sa inilabas na report ngayong araw, sinabi ng Global Witness na 20% sa 212 environmental activists defender ang pinatay noong nakaraang taon sa Pilipinas, dahilan para manguna ito sa pinakamapanganib na bansa sa buong Asya at pumangalawa sa Colombia sa buong mundo.
Kabilang sa mga nagiging biktima ng karumal-dumal na pagpatay ay ang mga magsasaka, indigenous leaders at government workers na pumoprotekta sa kalikasan.
Noong 2018, ang Pilipinas ay may pinakaraming bilang na napatay dahil sa pakikipaglaban para sa karapatan ng lupa at kalikasan – 30 – pinakamataas na bilang sa buong mundo.
Ayon sa Global Witness na mahigit sa kalahati ng napapatay sa bansa ay may kinalaman sa agribusiness. Samantala, 16 ang pinatay na may kaugnayan sa pagmimina – pinakamataas na bilang sa buong mundo.
“We are suffering a global pandemic expected to inflict P2.2-trillion damages on top of at least 1.36-trillion losses from climate impacts and natural resource plunder incurred over the past four years of the Duterte administration,” ayon kay Leon Dulce, national coordinator ng Kalikasan People’s Network for the Environment.
“It is alarming that Filipino environmental defenders confronting these existential planetary crises are still increasingly criminalized and murdered under the administration of President Rodrigo Duterte,” dagdag pa niya.
Halos 90% ng mga pagpatay noong nakaraang taon ay nangyari sa Mindanao at Negros Island, ayon sa report.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM