NAGAWANG manalo ng San Miguel ng siyam na sunod sa 2024 PBA Philippine Cup matapos kalusin ang NLEX, 120-103 ngayong gabi sa PhilSports Arena.
Umiskor ng double-digits ang anim na player ng Beermen para manatiling walang talo, na nakatitiyak na No. 1 seed sa playoff kasama ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Top scorer si CJay Perez para sa San Miguel na may 30 puntos sa 7-of-16 shooting, pero deserved ni June Mar Fajardo ang Player of the Game honors matapos ang 20 puntos, 21-rebound sa kanyang 35-minute stint.
Nakapagtatag ng ilang double-digit leads ang Beer men subalit ang Road Warriors – na naglaro nang wala si star point guard Robert Bolick – ay paulit-ulit na gumawa ng paraan para makahabol sa score.
“When the lead went down, we called a timeout and they just brought back the energy after the timout, and they were fine,” saad ni SMB coach Jorge Gallent sa kanyang team.
Hindi nakapaglaro si Bolick, isang contender para sa Best Player of the Conference honors, dahil isinilang ng asawa nito ang kanilang first baby.
Kahit wala siya, nakakuha pa rin ang NLEX ng 18 puntos mula kay Enoch Valdez at 16 mula kay Nermal. Gayunpaman, ito na ang ikatlong sunod na pagkatalo para malaglag sa 5-4 karta sa conference. RON TOLENTINO
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA