November 23, 2024

VP SARA TULOY ANG TAPAT NA PAGLILINGKOD BILANG DEPED SECRETARY

Nangako si Vice President Sara Duterte na ipagpapatuloy ang tapat na paglilingkod matapos magdesisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya palitan bilang DepEd Secretary.

Sa isang pahayag, ipinaabot ni Duterte ang kanyang pasasalamat sa Pangulo para manatili siya bilang miyembro ng Gabinete.

“Maraming salamat, Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa patuloy na pagtitiwala sa akin bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” post ng VP Sara sa Facebook.

“Makakaasa po kayo na ang DepEd, na binubuo ng ating mga guro at non-teaching personnel, ay patuloy na maglilingkod nang tapat para sa kinabukasan ng bawat mag-aaral,” saad niya.

Una nang idineklara ng Pangulo na mananatili sa puwesto si Sara bilang DepEd secretary dahil hindi naman ito pabaya sa tungkulin o corrupt.

Inihayag ng Bongbong ang kanyang desisyon sa kabila ng hindi magandang relasyon sa pagitan nina Unang Ginang Liza Marcos at ng Vice President.

Tiniyak din ng Pangulo sa publiko na ang alitan ng dalawa ay hindi makakaapekto sa kanyang working relationship sa Vice President.

Una nang nanawagan si Manila 3rd District Rep. Joel Chua kay Vice President na magpakita ng kagandahang-loob at magbitiw sa puwesto bilang DepEd chief kaugnay sa kanyang pananahimik sa pag-atake ng kanyang amang si Rodrigo Duterte laban sa Presidente.