November 24, 2024

CHUA SINOPLA POLISIYA NG PNP VS TATTOO: WALANG BASEHAN SA BATAS

BINIGYANG-DIIN ni Manila Rep. Joel Chua na labag sa batas at walang legal na basehan ang bagong polisiya ng Philippine National Police (PNP) na mahigpit na ipinagbabawal sa mga pulis ang pagkakaroon ng tattoo.


“Walang basehan sa batas ang nabunyag na bagong patakaran ng Philippine National Police ukol sa tattoo. Wala sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713). Wala rin sa batas na nagtatag sa Philippine National Police (RA 6975),” ani.

“Wala sa qualifications at disqualifications na nakasaad sa Section 30 ng RA 6975,” dagdag niya.

Aniya pa, kahit ang Korte Suprema ay hindi pinagbabawalan ang mga judge na magpa-tattoo base sa September 29, 2021 ruling nito.

“It is disappointing that our PNP has this negative mindset about people with tattoos. Tattoos have nothing to do with the job performance of any police or public servant,” saad niya.

“The PNP should discard that policy now before they get into legal trouble for the unconstitutionality of their policy. Tattoos are an art form of expression. The Constitution protects freedom of expression. By all indications, the PNP policy on tattoos is unconstitutional,” dagdag niya.

Iginiit ni Chua na hindi rin tama na gamitin ang tattoo sa diskriminasyon ng mga dating nakulong o ituring itong indikasyon ng criminal behavior ng isang indibidwal.

“The only rule I know of that includes tattoos as disqualification is for blood donation. Recent tattoos not more than one year disqualify the applicant from giving blood, but if the tattoo is more than one year ago, the blood donor may give blood,” dagdag pa nito.

Kung ipabubura umano ang mga tattoo ng mga pulis, maaari pang ma-expose sa impeksyon ang mga ito.