November 24, 2024

ROWER JOANIE SASAGWAN SA OLYMPICS

Gumawa ng kasaysayan si Joanie Delgaco.

Iginitgit ni Delgaco ang pangalan sa ipapadala ng Pilipinas sa Paris Olympics sa July.

Kinumpirma ng Philippine Olympic Committee (POC) na pasok sa Games si Delgaco.

Ito’y matapos pumang-apat si Delgaco sa Final A ng 2024 World Rowing Asian and Oceanian Olympics Qualification Regatta single sculls sa Chungju, South Korea.

“Delgaco, 26, makes history as the first Filipina rowing Olympian, finishing 4th place! This is another ‘herstory’ in the making!” ayon sa post ng POC sa Facebook. RON TOLENTINO