Pinagbibitiw ng isang kongresista sa puwesto si Vice President at Education Secretary Sara Duterte bilang chief ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, nanahimik si Duterte habang ang kaniyang pamilya ay binabanatan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at wala ring ginawa upang ipagtanggol ang Pilipinas laban sa mga agresibong hakbang ng China laban sa mga Pilipino sa West Philippine Sea.
“The Vice President should show some decency by resigning from her DepEd post at the very least. Her family unleashed a barrage of insults and attacks directly to the President and yet she does nothing and is still enjoying the perks of being part of the official family,” ayon kay Chua.
Hinimok din ni Chua si VP Sara na huwag nang magpanggap na full partner ni Marcos.
“She cannot have the best of both worlds by being a fence sitter while her family and their allies challenge the authority and mandate of President Ferdinand Marcos Jr while having little to show for in terms of substantive results at the Department of Education, where she is Secretary,” dagdag niya.
Ipinunto ni Chua na habang walang ginagawa si Duterte laban sa mga insulto at atake ng kaniyang pamilya sa Pangulo ay patuloy itong nakikinabang bilang bahagi ng opisyal ng pamilya ng Pangulo.
Pinasaringan din ni Chua ang mga performance ni Duterte bilang kalihim ng DepEd.
Learning deficits from the pandemic are worsened by the continuing resort to modules and online classes which were ineffective during the pandemic and are still ineffective now,” ani Chua.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY