November 24, 2024

80 BUHAY NA GAGAMBA, TINANGKANG IPUSLIT SA PASAY

NABISTO ng mga operatiba ng Customs ang tangkang pagpuslit sa higit 80 buhay na gagamba o spiderlings sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) unit sa Port ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA( ang spiderlings, na dumatin sa pamamagitan ng parcel na idineklarang “origami” products.

“Eighty-four (84) live spiderlings were found during the physical examination of the customs officers after the initial x-ray scanning showed suspicious images,” ayon sa BOC.

Ang parcel ay naka-consign sa Biñan, Laguna.

Ayon sa bureau, nilabag ng tangkang pagpuslit ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

“The dedication of the BOC in preventing smuggling is a crucial barrier against exploitation of wildlife, and in maintaining robust national biosecurity and ecological balance,” ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio.