Naglunsad ang Iran ng isang pulutong na explosive drones at nagpakawala ng missiles patungo sa Israel nitong April 13, ang kauna-unahang direktang pag-atake sa teritoryo ng Israel, na nagbabadya ng isang malaking kaguluhan.
Umalingawngaw ang tunog ng sirena ng air raid sa buong Israel at ayon sa Reuters journalist sa Israel na nakarinig sila ng malakas na pagsabog at dagundong mula sa malayo dulot ng pampasabog na drones. Ayon sa mga awtoridad, isang 7-anyos na babae ang lubhang nasugatan.
Sinibi ni Israeli military spokesperson Rear Admiral Daniel Hagari, inilunsad ng Iran ang dose-dosenang ground-to-ground missiles sa Israel, na karamihan ay napigilan sa labas ng borders ng Israel. Kabilang dito ang higit sa 10 cruise missiles, aniya.
Sa tantiya ng Iranian salvo, mahigit sa 200 drones at missiles ang pinakawalan ng Iran, ayon kay Hagari, at nagdulot ng bahagyang pinsala sa isang Israeli military facility.
Ayon pa sa Israel Defense Forces, naka-high alert na ang kanilang Aerial Defense Array, kasabay ng IAF fighter jets at Israeli Navy vessels na kasalukuyang naka defense mission ngayon sa Israeli airspace.
Samantala, sa isang pahayag naman, kinondena ni U.S. President Biden ang naturang Iranian attack at sinabing tinutulongan ng U.S. ang Israel na patumbahin ang mga paparating na drones at missles.
Ang pag-atake ng Iran ay bilang pagganti sa isang Israeli strike noong Abril 1 sa isang konsulado ng Iran sa Damascus, Syria, na pumatay sa pitong miyembro ng Islamic Revolutionary Guard Corps.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA