“Traffic ang isa sa pinakamatinding problema natin dito sa bansa. Nakaklungkot man ay isa na itong bahagi ng pamumuhay ng bawat Pilipino at tanyag na notorious na sa buong mundo ang traffic dito sa Pilipinas.”
Ito ang malungkot na pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang limang minutong vlog.
Kaya bilang bahagi ng long-term solution sa malalang trapik sa Metro Manila, nangako si Marcos na ide-develop ang mga kalapit na lalawigan at siyudad.
Nabanggit din niya na maraming ang nagdusa sa matinding trapik sa bansa lalo na noong Holy Week, kung saan maraming motorista ang lumuwas sa Metro Manila para magbakasyon.
“Congested ang Metro Manila, kung kaya bahagi talaga ng plano ay mai-develop ang mga kalapit na probinsya at siyudad. ‘Yan ang mga nakikita natin ngayong development,” dagdag niya.
Kabilang sa mga proyekto na kanyang nabanggit ay ang development projects sa Bulacan, Pampanga, Cavite at Laguna na inaasahang lilikha ng maraming trabaho sa labas ng Metro Manila at para na rin mabawasan ang matinding trapik.
Gayunpaman, iginiit niya hindi ito agarang solusyon. Ito lamang ang mga pangunahing proyekto kung kaya’t hiniling niya sa publiko na maging matiyaga. “Kaya naman dapat nating isipin na hindi bukas na natin mararamdaman ito dahil, malaki talaga yung scale, at kung minsan pa nga nakaka-abala pa sa traffic ngayon, kaya’t pag-tiyagaan niyo lang pero pagka nabuo na yan asahan niyo gaganda ang sitwasyon natin,” hirit ng Pangulo.
Habang isinasagawa ang long-term infrastructure solutions, sinabi ni Marcos na kailangan pa rin ng agarang tulong sa trapiko. Kaya naman, hinimok niya ang publiko na ibahagi ang kanilang pananaw at posibleng solusyon upang maibasan ang trapiko.
“Together, we can conquer Metro Manila’s traffic situation. Join the conversation at the Traffic Summit by sharing your insights in the comments,” sambit ng Pangulo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA