Limitado lamang sa ngayon ang role ni Choco Mucho setter Deanna Wong sa 2024 PVL All-Filipino Conference, kaya naman ang bagong playmaker na si Mars Alba muna ang kumana sa takbo ng laro para sa Flying Titans.
Iniingatan pa kasi ngayon ni Wong ang kanyang knee injury, kaya naging limitado lamang ang kanyang role sa pagsisimula ng season. Tiwala rin sa sistema ni coach Dante Alinsunurin ang kanyang kinapitan sa ngayon.
“Siyempre alam naman nila coach kung paano ‘yung gagawin during game or kung anuman pong strategy na ginagawa. Lagi namang sinasabi nila coach na health-wise talaga ‘yung mas mahalaga,” sambit ni Wong.
Ang fan-favorite setter ang unang nagsimula at naglaro sa kanyang pinakamaraming minuto nitong kumperensya, na naglabas ng siyam na mahusay na set sa 25-15, 25-16, 25-21 panalo ni Choco Mucho laban sa also-ran Capital1 noong Sabado sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.
“Masaya na nakapaglaro na pero unti-unti pa rin. It’s more of the system talaga that we follow kaya kahit sino naman ipasok, nagagawa pa rin namin ‘yung kailangang gawin,” ani Wong, na naglaro sa first two sets bago simulan at tapusin ni Alba ang third set.
“It starts sa training naman lalo na sina coach at saka ‘yung teammates ko, nandyan naman sila. It’s more of how we help each other and how we bring up each other, and dahil naman sa kanila ‘yun,” dagdag niya. RON TOLENTINO
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY