Arestado ang umano’y utak sa pagdukot at pagpatay kay Pharmaceutical Executive Eduardo Talosa Jr. ngayong araw.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Brigadier General Redrico Maranan, nadakip ng pulis-Navotas si Carlo Cadampog, 35, sa isang mall noong Abril 1. Aniya, No. 1 sa listahan ng most wanted ng Novaliches Police Station si Cadampog.
Ayon sa hepe ng QCPD, nadakip ang suspek nang isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest na inisyu laban sa kanya ni Presiding Judge Nevic Cordillo Adolfo ng Tanauan City Regional Trial Court Branch 83.
Ayon kay QCPD public information officer Police Major Jennifer Gannaban, nakakulong na ngayon si Cadampog sa Tanauan City, Batangas.
Noong Pebrero, kinasuhan ng Department of Justice si Cadampog at siyam na iba pa sa pagkamatay ni Tolosa.
Kabilang sa siyam na iba pang suspek ay sina Cesar Cadampog, Adrian Joseph Mendez, Richmel Riel Ignilan, Jomel Vizcarra, Aldrin Antonio/Norman Antonio, John Benedict Dumalanta, Victor Ferrer, David Gundran Jr., at Melvin Andes.
Dinukot si Tolosa at pinatay noong Hulyo 19, 2022.
Humingi ng ransom ang mga suspek, para sa kalayaan ni Tolosa. Pero natagpuan ang sunog na bangkay ni Tolosa matapos kidnapin.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY