Hindi pinalad makakuha ng puwesto ang ating pambato na si Hidilyn Diaz sa 2024 Paris Olympics, gayunpaman, inamin ng Filipino weightlifting susperstar na hindi pa rin siya hihinto.
“I love this sport, I don’t want to stop,” masayang sambit ni Diaz sa isang panayam sa International Weightlifting Federation (IWF).
“But what I have to do now is take a good rest and think about the priorities in my life. Today wasn’t my day. Paris was not to be.”
Mayroong kabuuang total lift ng 222kg si Diaz para sa 11th place sa women’s 59kg class ng IWF World Cup kahapon sa Phuket, Thailand – ang last qualifier para sa 2024 Paris Olympics.
Ito ang kauna-unahang hindi mapapanood lumaban si Diaz sa Olympics matapos apat na sunod na appearance, kung saan naging highlight ang paghakot niya ng ginto sa Tokyo Games noong 2021.
Gayunpaman, bibitbitin ni Elreen Ando ang watawat ng Pilipinas sa 59kg division sa Paris matapos masungkit ng 25-anyos na Cebuana ang ikapitong puwesto sa World Cup kasunod ng pinagsamang pag-angat ng 228kg, na pasok sa top 10 Olympic qualification cutoff.
Nabuhat niya ang 100kg sa snatch at 128kg sa clean-and-jerk.
“But overall, I’m happy,” said Diaz. “I’ve given a lot to this sport and it’s given a lot to me.”
Sa ngayon, plano muna ng 33-anyos na si Diaz na magpahinga, umaasa rin siya na makapagha-honeymoon muna sila ng kanyang coach at asawa na si Julius Naranjo, halod dalawang taon na silang kasal.
There will be time for that now,” saad ni Diaz.
Naniniwala naman si Naranjo na wala nang dapat pang patunayan ang pride ng Zamboanga.
“We gave it our best,” saad niya. “Hidilyn is still a legend.” RON TOLENTINO
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY