NAGKAKAHALAGA ng mahigit pitong bilyong pisong smuggled goods ang natuklasan ng Bureau of Customs sa isinagawang ininspeksiyon sa ilang bodega sa Caloocan City at Lalawigan ng Bulacan.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, kasama sa nasabat ang kinopyang damit-panloob, medyas at sari-saring merchandise, kitchenware, appliances, apparel, toys, computer accessories at cosmetics na nagkakahalaga ng ₱7.3-B.
Katuwang ng BOC-MICP team sa pag-inspeksiyon sa mga nasabing bodega ang Philippine National Police (PNP) at mga barangay officials. Sinabi ni Commission Rubio na isinara na ang mga nasabing bodega habang isasalang sa inventory ng mga Customs examiner ang mga natagpuang smuggled items.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO