“No negotiations. Arrest them at once.” Ito ang atas ni Manila Police Director Brig. Gen. Rolando Miranda sa kanyang mga pulis kung sakaling magsagawa ang mga raliyista ng kilos-protesta sa Mendiola, Maynila ngayong araw bilang paghahanda sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte na may posibilidad na gawin sa Palasyo sa nasabing lungsod. (Kuha ni NORMAN ARAGA)
IMBES na sa Batasang Pambansa sa Quezon City, maaring sa Palasyo sa Maynila na lamang gawin ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte mamaya.
Ito’y ang inihayag ni Senator Bong Go matapos mapag-alaman na nagpositibo sa coronavirus swab test ang ilang dadalo sa ikalimang SONA ng Pangulo.
“Medyo nagbabantay ang security ngayon kasi…. I cannot divulge lang, pero may mga nag-positive yata after the swabbing,” ayon kay Go , ilang oras bago ang talumpati ng Pangulo na magsisimula mamayang alas-4:00 ng hapon.
Mamaya ay malalaman ang desisyon sa mga organizer kung saan gaganapin ang SONA ng Pangulo.
Nilimitahan na rin ang makadadalo nang personal sa Batasang Pambansa bilang pag-iingat laban sa pagkahawa ng virus, batay sa orihinal na plano para sa naturang SONA.
Ang plan B naman para sa talumpati ni Duterte ay gaganapin sa Palasyo.
Sumalang kaninang umaga sa RT-PCR para sa COVID-19 ang mga senador, kongresista at iba pa na dadalo sa SONA na inaasahang lalabas ngayong hapon ang resulta.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM