UMANI ng samu’t saring komento mula sa netizen ang pagpapadala ng Philippine National Police noong Linggo ng police band upang magbigay-aliw para sa libo-libong stranded na katao na pansamantalang pinatuloy ng gobyerno sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila, kung saan sumailalim ang mga ito sa rapid test para sa coronavirus bago pahintulutang makasakay ng bus na maghahatid sa kani-kanilang probinsiya.
Karamihan sa mga komento sa social media ay inahalintulad ang ginawang pagtugon ng PNP sa barko ng Titanic na habang dahan-dahang lumulubog ay may tumutugtog na banda.
Katwiran ng tagapagsalita ng PNP na si Brig. Gen. Bernard Banac na naroon ang mga banda para pasiyahin ang mga tinatawag na locally stranded individuals (LSIs) habang naghihintay ng kanilang masasakayan.
“As a big number of LSIs continue to cram… the stadium, all wanting to return to their home provinces through the government-sponsored transport program, our police had to think of ways to cheer the people up,” ayon kay Banac. “In such a big facility as a stadium, a musical band was deemed more suitable given the situation.”
Inulan ng kritisismo ang mga kumakalat na larawan sa social media sa ginawang paraan ng mga awtoridad para magtumpok-tumpok ang mga LSI na walang sinusunod na social distancing.
Pero ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, napanatili pa rin ang health measures sa nasabing sports venue.
“They (the travelers) brought along many of their belongings, that’s why the place looked crowded,”paliwanag ni Lorenzana, na siyang chairman ng National Task For against the New Coronavirus Disease.
“People who are actually there are saying that it’s not really as crowded as the photographs show. There are luggage and other belongings which made it appear that the space was tightly packed,” dagtdag pa niya.
Sinabi ni Lorenzana na sa Quirino Grandstand sana mas maganda ang assembly area para sa LSI pero ginamit na ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila para gawing COVID-19 testing area.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA