NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang mga estudyante, kabataan at iba pang basic sector sa labas ng House of Representatives, para hilingin na buwagin ang Resolution of Both Houses No. 7 (RBH 7) at nanawagan na iprayoridad ang kapakanan ng mamamayang Filipino.
Isinagawa ang protesta bilang tugon sa ibayong pagsisikap sa isinusulong na Charter Change (Cha-Cha).
Sinasabi nila na ang naturang hakbang ay para payamin lamang ang mayayaman habang nabubuhay ang mga manggagawa na may maliit na sahod at hindi sapat na serbisyong pampubliko.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA