December 24, 2024

Programa sa sports, palalakasin ng Navotas

PUMIRMA sa isang memorandum of understanding (MOU) ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) na kinakatawan nina Dr. Jerome Porto, chairperson ng UST Institute of Physical Education and Athletics (IPEA), at Asst. Prof. Marcelita Apolonia, IPEA SIMBAHAYAN Coordinator para sa isang partnership na magtataguyod ng sports training sa mga batang Navoteño upang palakasin pa ang kanilanh programa sa sports. (JUVY LUCERO)

ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay pumasok sa isang kasunduan upang lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports.

Pumirma ng memorandum of understanding (MOU) si Mayor John Rey Tiangco kasama ang Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) para sa isang partnership na magtataguyod ng sports training para sa mga batang Navoteño.

Si Dr. Jerome Porto, chairperson ng UST Institute of Physical Education and Athletics (IPEA), at Asst. Prof. Marcelita Apolonia, IPEA SIMBAHAYAN Coordinator, ang kumatawan sa UST.

Sa ilalim ng MOU, magsasagawa ang UST ng libreng community sports training at development tuwing Sabado hanggang sa matapos ang kasunduan sa Hulyo 2026.

Ang pagsasanay sa iba’t ibang sports tulad ng basketball, volleyball, football, swimming, taekwondo, at dancing, ay bukas sa mga baguhan na atleta na may edad 9-18 taong gulang.

Ayon sa MOU, ang UST ay magbibigay ng mga trainer at coach, gayundin ng mga kinakailangang kagamitan sa sports at supplies sa buong pagsasagawa ng mga aktibidad habang ang pamahalaang lungsod naman ang maghahanda ng mga venue at hahawak ng online registration at screening ng mga kalahok sa bawat barangay.

“We have seen how capable and talented Navoteño youth are in sports and athletics. The awards, competition championships, and 109 athletic scholars of the city are proof of this,” ani Mayor Tiangco.

“We thank UST for partnering with us and helping us provide more opportunities for our youth athletes to grow and excel in their fields,” dagdag niya. (JUVY LUCERO)