Kayang-kaya nang bayaran ng mga hotel owner ang mga worker nito sapagka’t nakabangon na ang tourism industry mula sa pagkalugi nito dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Federation of Free Workers (FFW), nakarekober na ang tourism sector sa epekto ng travel restriction buhay ng global pandemic at kayang-kaya nang suportahan ang dagdag-sahod ng mga worker nito.
According to the Federation of Free Workers (FFW), the tourism sector has recovered from the impact of travel restrictions brought by the global pandemic and it is now “well-positioned” to support an increase in its workers’ salary.
Sa datos na nakalap mula sa Department of Tourism (DOT), sinabi ng labor group na limang milyong international tourists ang dumating sa Pilipinas, dahilan para makapagtala ang bansa ng P480 bilyon sa tourism receipts noong 2023.
“FFW argues that the tourism industry is also well-positioned to support an increase in workers’ wages. This economic upturn suggests a strong capacity within the sector to accommodate the proposed P150 wage hike,” mababasa sa statement nito.
Nakasaad din sa nakaraang DOT report, na nakapagtala ng 1.2 milyon na international visitors ang Pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2024 – mataas ng 22.89 percent kung ikukumpara sa parehong period noong nakaraang taon.
Ayon sa FFW, taliwas ito sa sinabi ni Philippine Hotel Owners Association (PHOA) president Arthur Lopez.
Lumiham si Lopez kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na nagsasabi na mahina pa rin ang kasalukuyang estado ng industriya matapos ang epekto ng COVID-19 pandemic.
Para mga hotel owners at managers, sinabi ng grupo na, “pang kape lang ang P150.”
“They should give some of that coffee money to their workers — regular, contractual, seasonal, or agency-supplied employees here in the Philippines,” dagdag ng FFW.
Nanawagan din ang grupo sa House of Representatives na pabilisin ang pagpasa ng counterpart bill sa P100 wage hike bill na inaprubahan ng Senado para matamasa ng mga manggagawa ang dagdag na suweldo sa Labor Day sa Mayo 1.
Matatandaan na inaprubahan ng Senado noong Pebrero ang P100 daily minimum wage hike bill.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA