SWAK sa loob ng selda ang isang lalaking palakad-lakad habang armado ng isang shotgun na may kargang bala nang damputin ng pulisya sa Malabon City.
Sa imbestigasyon ng Malabon police, nakatanggap ng sumbong mula sa mga residente sa Pilapil St., Brgy , Catmon ang mga tauhan ng Police Sub-Station-4 hinggil sa isang lalaki na mistulang nasa “war zone” kung umasta dahil armado ng baril.
Kaagad silang nagresponde sa nasabing lugar kung saan natiyempuhan nina P/SSg. Bernardino Bernal at P/Cpl. Rochester Bocyag ang suspek na nakilala sa alyas ‘Rodel’ na palakad-lakad habang may bitbit na na baril.
Bago pa makaporma, kaagad dinamba ng mga pulis suspek at nakumpiska sa kanya ang isang 12 gauge shotgun na may tatak na “Squibman” at kargado ng dalawang bala.
Nabigo naman si ‘Rodel’ na magpakita ng dokumento na magpapatunay na legal ang pagmamay-ari at pagdadala niya ng mataas na uri ng armas kaya isinelda kaagad siya ng mga pulis.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA