
‘Stop harassing us’
Ito ang idiniin ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo sa China sa gitna ng patuloy na mga iligal na aktibidad nito sa ating mga teritoryo.
Sa sidelines ng ASEAN-Australia summit, idiniin ng Kalihim na gusto pa rin ng Pilipinas na maresolba ang mga maritime disputes sa mapayapang pamamaraan.
Sa kabila nito, nanindigan si Manalo na dapat nang ihinto ng China ang mga pinaggagagawa nito sa West Philippine Sea.
Kabilang na rito ang mga aktibidad ng China sa Panatag Shoal at sa Bajo de Masinloc.
Bago ito – una na ring namonitor ng Asia Maritime Transparency Initiative ang paglobo ng bilang gn mga Chinese vessels sa ating exclusive economic zone. Na-monitor din kamakalawa ang dalawang Chinese research vessels sa Benham Rise.
More Stories
NURSING SCHOLARSHIP ‘DI PWEDE SA PANGIT NA BABAE – MISAMIS ORIENTAL GOV (Comelec maglalabas ng show cause order)
TOTOY SINAKAL, KINAGAT SA ARI NG KA-LIVE IN NG INA, PATAY
2.3-M PASAHERO INAASAHANG DADAGSA PARA SA HOLY WEEK – PITX