November 24, 2024

BOC PINURI NI SALCEDA (P3.72-B smuggled e-cigarette nasabat)

PINURI ni House Ways and Means Chair at Albay Rep. Joey Sarte Joey Salceda ang Bureau of Customs, sa pamumuno ni Commisioner Bienvenido Rubio, sa pagkakasabat sa P3.72 bilyon na smuggled na electronic cigarettes sa magkakahiwalay na raid sa Malabon at Paranaque ngayong araw.

“I congratulate Commissioner Rubio and his team for the big-time catches conducted today. Once again, the Flava brand of vapes, already the subject of the Committee’s investigation for P1.4 billion in evaded taxes, is once again involved,” ayon kay Salceda.

Ang mga electronic cigarette na may brand na “Flava.”

Narekober sa warehouse sa San Dionisio, Parañaque City ang 1.5 milyong piraso ng Flava brand e-cigarette at iba’t ibang flavor nito na aabot sa P1.53 bilyon ang halaga, kasama na ang excise tax na dapat bayaran.

“The Committee wants Flava Corporation shuttered. And, this probably strengthens the case against them,” sabi ni Salceda.

Matatandaan na inimbestigahan ng komite ni Salceda ang hindi umano pagbabayad ng Flava ng tamang buwis at ang pagbebenta nito ng mga produkto sa mga menor de edad na ipinagbabawal ng batas.

Bagamat nakarehistro umano ang Flava bilang manufacturer, wala umano itong kakayanan na gumawa ng produkto sa Pilipinas at inaangkat lamang ang mga ibinebenta nito.