Kinumpirma ng pamunuan ng Manila International Airporty Authority (MIAA) na wala nang surot sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ay makaraang mag-viral ang ilang videos kung saan ay makikita ang mga surot sa mga upuan sa paliparan.
Sa isang panayam, sinabi ni MIAA head executive assistant Chris Noel Bendijo na matapos ang ginawa nilang disinfection – ‘surot-free’ na ang NAIA Terminals 2 at 3.
Ininspeksyon na rin umano ang mga upuan at dumaan sa masusing sanitation.
Sa huli – muli silang humingi ng paumainhin sa mga naaberyang pasahero. Una nang na-pull out ang mga rattan chairs sa naturang mga terminals.
More Stories
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan
Global Day of Action laban sa climate change