May taas-presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ngayong unang araw ng Marso.
Epektibo kaninang alas dose ng tanghali, nagtaas ng ₱0.30 kada kilogram ng LPG ang kompanyang Petron.
Katumbas ito ng ₱3 dagdag presyo sa 11-kilogram na LPG cylinder.
Ayon sa Petron, ang taas presyo ay dahil sa pagmahal ng contract price ng LPG sa international market.
Maliban sa Petron, wala pa namang anunsyo ang ibang kompanya kaugnay sa price adjustment ng LPG products. Batay sa datos ng Department of Energy, naglalaro ngayon sa ₱920 hanggang ₱1,100 ang 11-kilogram ng LPG cylinder sa Metro Manila.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA