Naging highlight sa 2024 Philippine National Cancer Summit (PNCS) ang transformative potential ng National Integrated Cancer Control Act (NICCA) sa pagpapahusay sa early detection, diagnosis at treatment.
Nananatili pa ring public health issue ang cancer, na nakapag-ambag ng 7.84% burden disease sa ating bansa at 3rd sa highest cause ng Disability-Adjusted Life Years (DALY). Pinaka-common na ang breast cancer sa kababaihan, na may 31.4% ng kaso, habang lung cancer ang pinaka-common at pinakasanhi ng kamatayan sa mga lalaki, na may 19.5% ng kaso.
Para labanan ang nakakatakot na statistics na ito, handog ng dalawang araw na summit, na may temang “Advancing Integrated Cancer Care Systems for the Filipino,” ang bagong pag-asa at direksyon, na umaayon sa mga layunin ng NICCA.
Pinagtibay noong Pebrero 14, 2019, ang NICCA ay nagbibigay ng isang komprehensibong framework upang matiyak ang pagkakaroon ng kalidad at abot-kayang cancer care services, na layong i-improve ang survival rate at mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga pasyente at kanilang pamilya.
Itinampok ni Dr. Manuel Francisco “Ramy” Roxas, chairperson ng Philippine College of Surgeons Cancer Commission Foundation (PCS CanCom), na siyang nanguna sa summit, ang kahalagahan ng event para pagkaisahin ang stakeholders mula sa iba’t ibang sektor upang mapabuti ang cancer care.
“We are very honored that many dignitaries are joining us today to make this cancer summit even better than last year. But the task ahead is still long and challenging. We are here to listen to each other and inspire each other to continue to improve cancer care for our people,” aniya, kung saan binigyang-diin niya ang “whole of society” approach para labanan ang kanser.
Sa binasang keynote address ni Philippine Cancer Center Head Dr. Alfonso Nunez III, ipinunto ni Department of Health Secretary “Ted” Herbosa ang malaking hamon sa sakit na kanser sa kalusugan ng publiko at ang dulot nitong gastusin. Iginiit niya ang pangangailangan na maturuan at paalalahanan ang komunidad tungkol sa pagpapanatili sa maayos na kalusugan at maiwasan ang naturang sakit.
“Our endeavors covered the end-to-end spectrum of care with a strong emphasis on health promotion and disease prevention,” banggit ni Herbosa. “Central to our national cancer strategy is the early and regular screening measures such as sparing sufficient time for regular physical checkups. That includes breast examination, specifically mammograms, cervical screening, and many more. These services are available and accessible. Early detection saves lives by enabling timely interventions when treatment outcomes are most favorable.”
Samantala, binigyang-diin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang mahalagang papel ng local government units (LGUs) sa pag-integrate sa national guidelines sa local needs bilang primary implementers sa healthcare policies.
Layon niya na pagkaisahin ang stakeholders na gumawa ng unified plan para sa cancer care sa local government level, kung saan sinabi niya na,” “We should really sit down, look at the capacity of each, harmonize everything, and do a master plan. That is what I commit to this group that we’re going to do.”
Sa LGU level, ibinahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagsisikap ng siyudad. “We are in the process of crafting the localized version of the NICCA. The city government can allocate a more significant amount of resources kapag mayroon na tayong local version of the national law. Hopefully, this can be done by the second quarter of this year,” saad niya.
Ipinahayag din ni Belmonte na ang kanilang pangkalahatang layunin ay bumuo at mapanatili ang isang sistema para pagsamahin ang scientific advancements at practical applications sa isang komprehensibong programa na naglalayong bawasan ang morbidity at mortality na kanser, lalo na sa Quezon City.
Ang PNCS 2024, na isasagawa ngayong araw hanggang Marso 1 sa Novotel Araneta, ay magsisilbi bilang vital platform sa mga stakeholders upang i-collaborate at ibahagi ang innovations sa cancer care, na naglalayong baguhin ang landscape ng cancer treatment at management sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng pagtutok sa kahalagahan ng early screening at interbensyon para sa mga pinakakaraniwang kanser, hinangad ng summit na mangalap ng sama-samang pagsisikap tungo sa hinaharap kung saan ang kanser ay hindi na kailangan katakutan ng mga Filipino, na tinitiyak ang access sa kinakailangang pangangalaga at suporta para sa lahat.
More Stories
MIAMI HEAT HINDI ITI-TRADE SI JIMMY BUTLER
PRESYO NG MGA BILOG NA PRUTAS NAGMAHAL NA
LOLO DEDO SA SINTURON NI HUDAS; 125 BIKTIMA NG PAPUTOK